Doble Kara!

Salamat kay kaibigang Lester! Dahil sayo nagkaroon ako ng dahilan para i-click yung Add New Post sa Dashboard ko hahaha! At salamat din kay PM, sa kadahilanang gaya ng kay Lester hehehehe.

Sabi sa katha ni PM: Mechanics of the blog contest require zero talent. Throw in a post greeting this blog’s 4th anniversary up your place, add a few words on what you think of this blog and its owner, and link up this post and buzz me on the comments section below. That is really all there is to it. Absolutely no restrictions to what you can say: it stinks, it rocks, as long as you’re being truthful that is good enough for me.”

Ayun, so Happy 4th Anniversary sayo idol! Sa totoo lang, wala ako balak makipagkumpitensya sa pagalingang gumawa ng pagbati para sa ikaapat na taon ng blog mo. Ginawa ko to kasi gusto ko magkaroon ng bagong entry sa blog ko, gusto ko magkaroon ng “exposure” ang blog ko(madami kasi sumusunod sa blog mo, baka sakaling magka interes din sila sa blog ko pag nakita nilang sumali ako hehe), at dahil gusto din kita batiin! Syempre mas lamang yung gusto ko bumati! (ako na plastik hahaha :p)

HAPPY 4TH ANNIVERSARY sayo kaibigang PM(nakiki kaibigan nako sayo o. ako na feeling close hahah)

 

P.S.

Kung bakit Doble Kara ang pamagat ng entry nato, naalala ko kasi yung kanta ng Greyhoundz na may parehong pamagat. Tungkol yun sa mga tao na “gumagamit” ng ibang tao para sa kapakanan nila. E sabi ko nga di ba gusto ko ng exposure? Hahaha pero di ako Doble Kara! Greeting talaga to para kay PM hehehe. Rakenrol!

6 thoughts on “Doble Kara!

  1. Pingback: PM’s Fourth Year Anniversary: 1460 3/4 Days Of Non-stop Mental Diarrhea « Prinsesa's Anatomy

Leave a comment