Trend Micro Ti 5.0

(This post is job related)

I don’t know how the hell am I supposed to make a review/blog post about our company’s product, but here goes nothing…

 

OK! So let me present to you *drum roll* the best anti-virus software in the world, the Trend Micro Titanium 5.0! *clap clap clap*

 

So ok, what makes Ti 5.0 the best in the world? Lemme tell you what separates it from the others..

The software is easy to use thanks to a straightforward interface. The main console provides the current security level at a glance. The software is designed to scan for threats in real time, but you can always perform a manual scan. You can choose from a quick scan, an in-depth scan or a custom scan.

Trend Micro has a good mix of help and support options online, including general customer service and technical support. They host a searchable knowledge base, or you can look for help in the discussion board. Personalized assistance is available by submitting a case online or getting in contact directly over the phone or live chat. Premium support is available for such issues as PC tune-up, malware removal or emergencies.

 

Trend Micro Titanium Antivirus + lets you surf the web safely because it blocks access to malicious websites and prevents malicious drive-by downloads. A component of the Trend Micro Smart Protection Network uses web-reputation technology to protect you online. The web-reputation approach assigns a score to domains and individual pages. The score is a function of the site’s age, location changes and various factors that could provide a clue about potential danger. In a similar fashion, email-reputation technology protects your system from email-born threats by validating IP addresses and checking reputation databases of sources known to be bad. By stopping threats while they are still in the cloud, botnets are unable to reach your PC or your network.

 

Now, lemme add that we at Trend Micro, among all anti virus software manufacturers, provides the fastest response to malware threats. Our products may not be wallet-friendly, but you get more than what you think you actually paid for. 

I’m not plugging, but please, do not wait any longer.. Avail our product to get the best security the industry has to offer! Switch to Trend Micro!

 

 

Bat nga ba?

Oy ikaw pala! Oo alam ko di tayo magkakilala. Pero tutal, napadaan ka nalang din dito sa kaharian ko, halika’t maupo ka muna. Pasensya ka na at medyo magulo dito. At pasensya nadin dahil wala akong maiaalok sayo bukod sa kwento ko.

 

Ganito kasi, e, medyo matagal tagal din akong nawala dito sa bahay. Kailan lang ulit ako napadpad dito. E medyo namiss ko yung mga kapitbahay ko dito kaya, naisipan kong dalawin sila. Ngayon e, napadaan ako kila Hoshi at napansin ko na may pa-contest pala sya. Medyo na-curious ako kaya nag usisa muna ko. Tas ayun, nalaman ko na yung pa-contest nya e kailangan lang masagot ang katanungan na “bakit ako nag-blog?”. Natuwa ako kasi, ako mismo, di ko pa naitanong yun sa sarili ko e. Kaya eto, sumali ako, at ikaw ang unang makakaalam ng sagot ko.

 

Mga sikat na manunulat na sila Bob Ong, Lourd De Veyra, Karl De Mesa, Eros Atalia, Ricky Lee, Norman Wilwayco, at kaibigang si Kurt Yu. Sila ang mga taong naka impluwensya saking magsulat. Bago ko naisipang magsulat, isa muna akong masugid na mambabasa. Tingin ko naman, lahat ng manunulat e nagsimula muna sa pagbabasa. Pero bakit nga ba ako nagsulat/nag-blog? Sa tingin ko, epekto na to ng kakabasa ko ng mga akda nila. Nilandi ng mga haliparot nilang kwento at ideya ang sarili kong kamalayan. Sa bawat pangungusap at talata sa mga akda nila na nababasa ko, may naiisip agad na sagot/pagtanggi/pag sangayon ang isip ko. Kalaunan, sa sobrang dami ng mga ideya, napuno na yung utak ko kaya napagpasiyahan kong ilabas ang ilan sa kanila. Nagsimula ako sa mga walang kawawaang bagay. Yung unang post ko, hilaw na hilaw yung pagkakagawa. Kahit yung mismong paksa e walang sense. Pero tinuloy ko padin. Pagkatapos ko kasing mailimbag yung mga una kong post, nagkaroon ako ng tinatawag na sense of fulfillment. Natuwa ako kaya napagpasyahan ko ng ituloy tuloy ito.

 

Nagsusulat ako hindi para sumikat o kung ano man. Nagsusulat ako dahil gusto ko magkwento at gusto ko maghayag ng saloobin. Kung tutuusin nga, parang wala naman ako napapala sa pagsusulat/pag gawa ng blog e. Pero tuloy lang ako. Kahit na paisa-isa lang yung nagbabasa ng blog ko kada araw, tuloy padin. Minsan nga wala e. Pero di na yun mahalaga sakin. Itutuloy ko padin ito. Kung hanggan kailan, hindi ko alam. Pero hanggat may mga ideyang naglalaro sa isip ko, patuloy kong pupunuin tong bahay na to. 

 

O pano kaibigan, naabala pa kita. May lakad ka pa ata. Salamat sa pakikinig kahit na paulit ulit lang naman yung sinabi ko hehehe. Pag naiinip ka, daan ka lang dito. Malugod kitang tatanggapin anumang oras ka dumaan.

 

——-

ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest

Poem about Radicals

Naglilinis ako ng Sent Items sa email ko ng madaanan ko to. Nagpagawa ng poem sakin yung pinsan ng, um, kakilala ko para sa math subject nya. Hehe.

Wala lang to. Wag ka umasa na maganda to. Pero dahil andito ka nalang din, basahin mo na siguro.

You are radical, radical meaning root.
You understood what’s not understandable.
Loved the unlovable.
Because you see things from their roots.
—-
I can be your radical.
Out of the complex, you will always find me.
From your problems numbered as 8,27, 64,
You can always come back to me, your “3”
—-
We’re both radicals, we can be together.
We will multiply the joy and divide our sorrow.
Add the better days and subtract what’s bad.
As our love will be bigger than the sum of all their parts.

Haberdey

Birth month pala ng blog ko.

Dear blog,

Isang taon ka na. Oo madalang na kitang madalaw. Parang anak sa labas. Pasensya ka na. Pero gusto ko malaman mo na importante ka pa din sakin. Babawi ako sayo. Dadalasan ko dalaw ko hanggat maari.

Cheers,
The Author

Ang Pagbabalik!

HAYUN! Shete antagal ko na di nagsusulat (nagta type) dito. Busy e. Ngayon lang ulit nagkaroon ng extra time at inspirasyon (idea) para magsulat.

 

Eto na simulan ko na.

 

 

May nabasa kasi ako sa facebook kanina lang. Mag reresign na daw si Pope Benedict XVI dahil sa katandaan. Kadikit nito yung usap usapan na mag end of the world na daw dahil ang last pope ay yung susunod kay pope Benedict.

Pero di yan ang ikinaiinis ko. Ang ipinagpuputok ng butse ko, e yung obsession na atang maituturing ng tao pagdating sa End of The World. Bakit ako naiinis? Ganito kasi yan, kung end of the world na, may magagawa ka pa ba? End na nga diba? Kung end na talaga, hindi na natin sya mapipigilan. Hindi ko sinasabing hindi ako nag aalala at natatakot. Nararamdaman ko din naman yung mga emosyon na yan. Kaso kung paguukulan ko ng panahon yan, walang mangyayari sakin. Hindi ko tinutuligsa yung mga “doomsday preppers”. Trip nila yun e. Nirerespeto ko yung gusto nila. Pero para sakin, sayang yung effort kasi wala nadin naman mangyayari kung end na talaga. Though iba nga naman kung handa ka. 

Basta yun lang point ng entry na to. Na para sakin, hindi na natin mapipigilan ang katapusan kung katapusan na nga talaga. Digs mo ba tol? Kesa ma-stress ka, kung ako sayo, ituloy mo nalang ikot ng sarili mong mundo. Gawin mo lahat ng gusto mo, basta wala kang sinasaktan na ibang tao. Maging masaya ka. Magaral ka, magtrabaho ka, magmahal ka, lahat. Basta sagarin mo yung buhay mo. Para naman pag dating ng katapusan, masasabi mo sa sarili mo na kahit papano, nagkaroon ng saysay at kulay ang buhay mo.

Sermon

Bilang panimula, gusto ko lang linawin sa mga kapwa ko basurero dito sa WP, ako na ulit to, ang orihinal na may ari ng basurahang ito. Kahati ko na kasi ang aking kapatid sa pagtatapon dito.

 

Kanina lang ay may binabasa akong post ni JLapis na The gift of death. Sabi niya dun, “Like those people who commit suicide who don’t want their life anymore. Instead of throwing their life away (although I can’t blame them for doing so since no one except themselves know what they’re going through), they can “give” their life to someone who wants it.” May pinaalala sakin yung huling pangungusap dun. 

 

Hindi ko na sasabihin yung eksaktong tao at panahon na kausap ko sya, pero ang pinaguusapan namin ay tungkol sa pagkain. Naaalala ko na sabay kamin kumain nun at napansin ko na hindi nya inubos ang pagkain nya. Ganito ang naging takbo ng usapan namin:

ako: o tol, bat di mo inubos pagkain mo? sayang o.

siya: e ayoko na tol e. hindi masarap.

ako: e bat yan inorder mo? sayang pagkain tsong. madaming nagugutom.

siya: e ayoko na e. tsaka parang mabubusog sila pag kinain ko yan a?

ako: tamo to pilosopo. oo hindi nga sila mabubusog, pero maipapakita mo na pinapahalagahan mo at nilulubos mo yung mga bagay na meron ka na sila ay halos wala.

 

Hindi ganyan ang eksaktong takbo ng usapan namin na parang makata ako kung magsalita, pero iyan yung mensaheng gusto ko iparating sa kanya. Pagpasensyahan nyo na kung pakialamero ako, pero nanghihinayang kasi talaga ako pag may natitirang pagkain. Nanghihinayang ako pag may mga biyaya o pagkakataon na sinasayang ng isa, samantalang ang pagkakaton o biyayang iyon ay inaasam ng iba. Nung sinabi ko yan sa aking kaibigan, napaisip ako kung tama nga ba na sabihin ko sa kanya yun. Kasi naman, ako mismo, marami nakong nasayang na pagkakataon sa buhay ko (maliban sa pagkain hehehe).

Hindi ako nagmamagaling nung sabihin ko sa kanya yan, pero parang paraan ko na rin yun ng pagsasabi sa kanya na hindi lahat ng  tao ay nabibigyan ng biyayang mayroon sya, at bagkus ay dapat niya itong pahalagahan. Hindi lahat ng tao ay kayang kumain ng tatlong beses sa isang araw. Hindi lahat ng tao ay may pagkakataong mag-aral, lalo na yung mag-aral sa isang de kalidad na pamantasan o paaralan. At higit sa lahat, hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na mabuhay ng maginhawa tulad mo, at tulad ko. Marami nakong nasayang na pagkakataon. Marami narin akong nasayang na panahon. Alam natin na hindi na natin maibabalik yung mga bagay na ganoon. At mas lalong hindi na natin maitatama ang mga bagay na lumipas na. Pero may pwede pa naman tayong gawin, at yun ay ang pahalagahan yung mga panibagong pagkakataon at biyaya na darating satin.

Hindi maiiwasan na sa hinaharap ay may ilan na muli kang masayang. Pero sikapin mo na karamihan sa mga yun ay mapahahalagahan at magagamit mo. Minsan lang yan. Uulitin ko, hindi lahat mayroon nyan. At mas lalong hindi lahat e nabibigyan ng isa pang pagkakataon.

Maswerte ka, kaibigan. Kung tutuusin nga, sobra pa yung swerte mo. Kaya sana sa susunod, ubusin mo na yung pagkaing nakahain sa plato mo. 

‘Cause, diamonds they fade and flowers they bloom

Video

It’s almost 11:30 pm here in Dubai. Still wide awake, eyes wide open, and my ears having eargasms. Got nothing else to do but to indulge myself within the seemingly endless stream of music. Waiting for the sleeping bug to bite me and help me dose off and bring me to the unwavering parallel dimension that they call dreams.

Anyway, for anyone who don’t know the song, it’s called sideways. The video i posted here was covered by Franco Reyes, but the original artist is called Citizen Cope.

If you guys want to sing along with me, here’s the lyrics :

You know it ain’t easy
For these thoughts here to leave me
There’s no words to describe it
In French or in English
‘Cause, diamonds they fade
And flowers they bloom
And I’m telling you

These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
They’ve been knockin’ me out, babe
Whenever you come around me
These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
I keep thinking in a moment that
Time will take them away
But these feelings won’t go away

But these feelings won’t go away

It ain’t easy
For these thoughts here to leave me
There’re no words to describe it
In French or in English
‘Cause diamonds they fade (diamonds they fade)
And flowers they bloom (flowers they bloom)
And I’m telling you

These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
They’ve been knockin’ me out, babe
Whenever you come around me
These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
I keep thinking in a moment that
Time will take them away

These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
I keep thinking in a moment that
Time will take them away

These feelings won’t go away
These feelings won’t go away

But diamonds they fade
And flowers they bloom
And I’m telling you
I’m telling you
Diamonds they fade
Flowers they bloom (flowers they bloom)
I’m telling you
I’m telling you

These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
They’ve been knockin’ me out, babe
Whenever you come around me
These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
I keep thinking in a moment that
Time will take them away

These feelings won’t go away
They’ve been knockin’ me sideways
I keep thinking in a moment that
Time will take them away

But these feelings won’t go away
These feelings won’t go away, no
These feelings won’t go away
These feelings won’t go away